6 Pasyalan sa Aomori Prefecture na Magandang Bisitahin Kahit Maulan

Ang pagbubukas ng Shin-Aomori Station ay nagpadali ng paglalakbay patungong Aomori Prefecture gamit ang bullet train. Bilang panimulang punto ng Hokkaido Shinkansen, muling napukaw ang pansin sa Aomori.

Kilala sa kahanga-hangang tanawin at masasarap na pagkain, ang Aomori ay mayaman sa mga pasyalan para sa mga turista. Bagamat mas mainam ang maaraw na panahon, marami pa ring lugar na pwedeng puntahan kahit hindi maganda ang panahon. Narito ang anim sa mga pinaka magagandang pasyalan sa Aomori Prefecture na perpektong bisitahin kahit umuulan.

Itago ang Talaan ng Nilalaman

6 Pasyalan sa Aomori Prefecture na Magandang Bisitahin Kahit Maulan

1. Seikan Ferry Memorial Ship Hakkōda Maru, Madaling Puntahan Kahit Umuulan

Matatagpuan sa layong 5-minutong lakad mula sa JR Aomori Station, ang Hakkōda Maru ay perpektong lugar na bisitahin kahit umuulan.

Bago ito itigil noong 1988 dahil sa pagbubukas ng Seikan Tunnel, ang Seikan Ferry ay may mahalagang papel sa pagkonekta sa Aomori Prefecture at Hokkaido bilang barkong pampasahero at pang kargamento. Sa mga ferry sa fleet, ang Hakkōda Maru ang may pinakamahabang serbisyo at nagsilbi sa huling biyahe. Matapos mag retiro, naging ari-arian ito ng Aomori City at ginawang Seikan Ferry Memorial Ship na bukas sa publiko.

Maaaring pasyalan ng mga bisita ang loob ng barko, kabilang ang silid ng kapitan, makina, at mga eksibit ng postal car. Makikita rin sa museo ang mga nai-preserbang kagamitan, dokumento, at modelo ng ferry, na nagbibigay ng nakakabighaning at impormasyon na karanasan. Huwag palampasin ang Seikan World diorama, isang makabagbag-damdaming muling paglalarawan ng istasyon ng Aomori noong dekada '50 at interior ng ferry. Ang paglalakbay na ito sa nakaraan ay may alindog para sa mga matatanda at masaya’t pang-edukasyon para sa mga bata.

2. Maranasan ang Sining at Kultura sa Aomori Museum of Art

Ang maulang araw ay tamang pagkakataon upang magrelaks at ma-enjoy ang masaganang mundo ng sining. Matatagpuan sa tabi ng pook arkeolohiya ng Sannai-Maruyama, ang Aomori Museum of Art ay nagpapakita ng mga likha ng mga kilalang lokal na artist tulad nina Yoshitomo Nara, Shikō Munakata, at Shūji Terayama, na ginagawa itong sagisag ng pagpapahayag ng kultura at sining sa rehiyon.

Ang koleksyon ng museo ay sumasaklaw din sa mga tanyag na pandaigdigang artist tulad nina Chagall, Kandinsky, Matisse, Rembrandt, at Picasso. Ang tampok nito ay ang iconic na "Aomori Inu," isang malaking iskultura ng aso na likha ni Yoshitomo Nara. Bagama't nasa labas ito, puwede itong makita mula sa loob ng museo o malapitan sa pamamagitan ng konektadong daanan (bagaman sarado ito sa panahon ng tag yelo).

Ang natatanging logo ng museo, na inspirasyon ng isang puno at ng letrang "a" sa Aomori, ay sumisimbolo sa ideya na "isang kagubatan ang lilitaw kapag nagsama-sama ang mga asul na puno." Maganda itong na-integrate sa disenyo ng gusali. Ang arkitektura ng museo, na inspirasyon ng lugar ng paghuhukay para sa arkeolohiya ng Sannai-Maruyama, ay parehong makabago at kahanga-hanga, na ginagawang dapat puntahan para sa mga mahilig sa sining at disenyo.

3. Tuklasin ang Tradisyon ng Aomori sa Tsugaruhan Neputa Village

Kapag pinag-uusapan ang mga makukulay na pagdiriwang sa Aomori Prefecture, ang Nebuta Festival ang unang pumapasok sa isip. Bagama't maraming istilo ng Nebuta ang matatagpuan sa rehiyon, pinakatampok ang Aomori Nebuta at Hirosaki Neputa.

Ang Tsugaruhan Neputa Village ay isang pook-kultural na nagpapakilala sa tradisyon ng Hirosaki Neputa. Dito makikita ang magagarang Neputa floats, makasaysayang mga eksibit, live na pagtatanghal ng musikang pang-pista, at nakakabighaning Tsugaru shamisen recitals. Mayroon ding mga workshop kung saan maaaring subukan ng mga bisita ang paggawa ng tradisyunal na sining tulad ng pagpipinta, pagtitina gamit ang indigo, at pagbuburda ng kogin.

Para naman sa mga naghahanap ng lokal na pagkain, bukas ang pamilihan at mga kainan ng walang bayad. Tikman ang mga klasikong putaheng Tsugaru sa isang restawran na kinikilala sa ilalim ng Tsugaru Cuisine Heritage program, o mamili ng sariwang mansanas at mga lokal na produkto sa pamilihan. Ang makulay na eksibisyon at mga kultural na aktibidad ay nagbibigay-daan upang mas makilala ang tradisyon ng Tsugaru—perpektong bisitahin kahit umuulan.

4. Pasilip sa Buhay ng Isang Kilalang Manunulat sa Dazai Osamu Memorial Hall Shayokan

Ang Dazai Osamu Memorial Museum, Shayokan, ay isang natatanging destinasyon para sa mga tagahanga ni Dazai Osamu, isang tanyag na manunulat mula sa Aomori Prefecture, pati na rin sa mga gustong matuklasan ang kanyang mga obra.

Ang “Shayokan” ay dating tahanan ng kabataan ni Dazai, isang engrandeng mansyon na itinalagang Important Cultural Property ng Japan. Matapos ang kanyang pagpanaw, ito’y naging isang inn sa maikling panahon bago ito binili ng dating bayan ng Kannagi noong 1996 at ginawang kasalukuyang museo. Maaaring tuklasin ng mga bisita ang gusali at makita ang mga personal na gamit ni Dazai, na nagbibigay-liwanag sa buhay ng mga mayayamang pamilya sa Aomori noong panahong iyon. Bukod sa kanyang kasaysayan, ang arkitektura ng mansyon ay nagtataglay ng pambihirang halaga, kaya’t tiyak na magugustuhan ito ng mga mahilig sa arkitektura.

Huwag din kalimutan na bisitahin ang karugtong na bahagi ng mansyon na kilala bilang Dazai Osamu’s Evacuation House para sa kumpletong karanasan.

5. Tsugaru Shamisen Hall, Tunog na Higit sa Ingay ng Ulan!

Katabi ng Shayokan sa Bayan ng Kanagi, makikita ang Tsugaru Shamisen Memorial Hall, lugar ng kapanganakan ni Osamu Dazai at ang pinagmulan ng Tsugaru Shamisen. Ang natatanging musika ng Tsugaru Shamisen ay nagmula sa Tsugaru, na kilala sa malakas na paghampas ng bachi (pick) at mabilisang tugtugan na puno ng detalye.

Sa exhibition room, matutuklasan mo ang kasaysayan at pag-unlad ng Tsugaru Shamisen, kasama ang mga kantang bayan at lokal na sining-pampalabas. Bukod pa rito, may aktwal na pagtatanghal na naganap araw-araw, na nagdadala ng kakaibang karanasan sa tunog ng instrumento.

Makikita rin dito ang mga video screenings at isang espesyal na exhibit para kay Michiya Mihashi, isang tanyag na musikero ng Tsugaru Shamisen. Pwede kang kumuha ng combo ticket para bisitahin ang Shayokan at ang hall, na parehong perpektong destinasyon kahit maulan.

Paalala: Sarado tuwing taglamig (Disyembre hanggang Marso).

6. Masayang Karanasan sa Ulan sa Hasshoku Center

Puno ng masasarap na pagkaing-dagat at espesyalidad ang Aomori Prefecture, at ang Hasshoku Center sa Hachinohe City ay perpektong puntahan para sa lahat ng ito.
Ang 170-metrong pamilihan ay may halos 60 tindahan kung saan pwedeng bumili ng sariwang huling pagkaing-dagat. Sa Shichirin Village, pwede mong agad na lutuin ang mga piniling sangkap gamit ang uling.

May mga kainan din kung saan masisiyahan ka sa mga pagkaing inihanda ng mga eksperto. Bukod dito, may mga libre pang aktibidad tulad ng wall climbing at palaruan para sa mga bata. Tuwing Linggo, may libreng sine para sa mga bata kaya maaaring mamili nang walang alalahanin ang mga magulang.

Nag-aalok din ang Hasshoku Center ng iba’t ibang kaganapan tulad ng mga klase sa pagluluto at isang Japanese-American na tiangge para sa mga segunda-manong gamit. Isang destinasyon na angkop sa buong pamilya para sa masayang karanasan kahit masama ang panahon.

◎ Mga Paboritong Pasyalan sa Aomori Prefecture Kahit Tag-ulan

Ang pamamasyal sa tag-ulan ay maaaring nakakabahala, at minsan ay mahirap makahanap ng motibasyon para lumabas. Gayunpaman, ang Aomori Prefecture ay puno ng iba't ibang kultura at mga atraksyon, na may maraming lugar kung saan maaari kang mag-enjoy kahit na umuulan.

Nag-aalok din ang Aomori ng maraming kakaiba at masasarap na pagkain na mahirap matatagpuan sa ibang lugar. Siguraduhin na bisitahin ang mga pasyalan na ito upang matuklasan ang kagandahan ng Aomori.

Inirerekomenda para sa Iyo!

Asya Mga inirerekomendang artikulo

Asya Mga inirerekomendang artikulo