Mula sa tatlong pangunahing tanawin sa gabi ng Chugoku at Shikoku Hanggang sa mga tagong ganda: Mga rekomendadong lugar sa Prepektura ng Kochi
Ang Prepektura ng Kochi, na matatagpuan sa timog ng Shikoku at nakaharap sa Karagatang Pasipiko, ay isang destinasyong puno ng likas na kagandahan. Kabilang sa mga tampok nito ang 196-kilometrong mahabang Ilog Shimanto, ang kahanga-hangang Katsurahama Beach, at ang Kochi Castle—isa sa “Top 100 Castles” ng Japan. Maraming atraksyon ang naghihintay dito na nagpapakita ng yaman sa kultura at kalikasan ng lugar.
Hindi lang sa araw kahanga-hanga ang Kochi—kilala rin ito sa mga nakamamanghang tanawin sa gabi, kabilang ang isa sa “Tatlong Dakilang Tanawin sa Gabi ng Chugoku-Shikoku” at iba’t ibang tagong spot sa loob ng Lungsod ng Kochi. Mula sa maliwanag na tanawin ng lungsod hanggang sa tanawing puno ng bituin, may kakaibang ganda ang Kochi sa gabi. Sulitin ang iyong pagbisita sa pamamagitan ng pagtuklas sa kagandahan ng Kochi mula umaga hanggang gabi. Narito ang ilan sa mga pinakamahusay na night view spots sa Prepektura ng Kochi.
Itago ang Talaan ng Nilalaman
Mula sa tatlong pangunahing tanawin sa gabi ng Chugoku at Shikoku Hanggang sa mga tagong ganda: Mga rekomendadong lugar sa Prepektura ng Kochi
1. Godaisan Park
Ang Godaisan Park ay isa sa pinaka kilalang spot para sa tanawin ng gabi sa Prepektura ng Kochi, at kadalasang kasama sa mga sightseeing tour. Matatagpuan ito sa silangang bahagi ng Lungsod ng Kochi sa isang burol na may taas na wala pang 150 metro. Sa tuktok nito, makikita ang parke na may maayos na pasilidad para sa mga manonood.
Ang night view mula sa Godaisan ay kinikilala bilang isa sa Tatlong Pinaka Magagandang Tanawin ng Gabi sa Chugoku at Shikoku, kasama ang Hinoyama Park sa Yamaguchi at Haigamine sa Hiroshima. Maluwag ang observation deck kaya maaari mong namnamin ang tanawin nang walang pagmamadali. Halos 15 minuto lang ang biyahe mula sa sentro ng lungsod, at may mga paradahan kung saan maaari mong masilayan ang tanawin mula sa loob ng sasakyan—perpekto para sa isang romantikong date. Dahil one-way ang kalsada papuntang tuktok, mas panatag ang mga driver na hindi sanay sa matarik na bundok.
Pangalan: Godaisan Park
Lokasyon: Godaisan, Lungsod ng Kochi, Prepektura ng Kochi
Opisyal na Website: http://www.attaka.or.jp/photolib/search/details.php?tno=44&type=A
2. Ryugado Skyline
Ang Ryugado Skyline ay isang maganda at tanawing kalsada sa Prepektura ng Kochi na nag-uugnay sa Lungsod ng Konan at Kami, na dumadaan sa Mount Kongo at Mount Monraku. Dati itong toll road ngunit ngayon ay libre na para sa lahat. Habang umaakyat, unti-unting lumalawak ang tanawin hanggang sa masilayan ang napakagandang night view—ang pinakamataas na lugar sa Kochi kung saan pwedeng makita ang tanawin sa gabi.
Bagama’t walang opisyal na observation deck sa Ryugado Skyline, may mga hintuan sa gilid ng kalsada kung saan matatanaw ang ganda ng Lungsod ng Nangoku at mga karatig na lugar. Dahil walang streetlights sa paligid, mas ligtas na pagmasdan ito mula sa loob ng sasakyan. Sa hatinggabi tuwing Sabado at Linggo, maraming lokal na motorista ang dumadayo rito kaya mas mabuting bumisita nang mas maaga para sa mas tahimik na karanasan. Perpekto ito para sa mga naghahanap ng romantikong night drive sa Kochi.
Pangalan: Ryugado Skyline
Lokasyon: Sakagawa, Bayan ng Tosayamada – Noichi, Lungsod ng Kami, Prepektura ng Kochi
3. Fudeyama Park
Ang Fudeyama ay isang burol na may taas na humigit-kumulang 100 metro, matatagpuan sa timog ng Kochi Prefectural Office, at buong lugar nito ay ginawang Fudeyama Park. Maaari kang magmaneho hanggang tuktok kung saan may observation deck na nagbibigay ng malawak na tanawin ng lungsod. Kahit mula sa mga upuan malapit sa parking area, makikita mo na ang kamangha-manghang night view ng Kochi Castle na may ilaw at ang makukulay na ilaw ng city center. Isa pang tampok ay ang mala-postkard na pag-iilaw ng Tenjin Ohashi Bridge na tumatawid sa Kagami River.
Bagaman hindi kasing tanyag ng Godaisan, ang Fudeyama Park ay isang tagong yaman na patok sa mga mag kasintahan dahil pwede mong masilayan ang night view mula mismo sa loob ng sasakyan. Dahil madali itong puntahan mula sa sentro ng lungsod, mainam itong destinasyon para sa isang maikling night drive. Subukan mong maranasan ang romantikong gabi sa ilalim ng mga ilaw ng lungsod.
Pangalan: Fudeyama Park
Lokasyon: Fudeyama-cho, Lungsod ng Kochi, Prepektura ng Kochi
Opisyal na Website: http://www.shikoku.gr.jp/spot/581
4. Shorenji
Sa daan patungo sa Shorenji Temple sa Lungsod ng Kochi, may matatagpuan kang magandang lugar para masilip ang night view ng lungsod mula sa bahagi malapit sa isang sementeryo. Habang papunta sa Kosaka Pass, magpatuloy sa mountain road at tumingin sa silangang bahagi ng Prefectural Route 16 kung saan bubukas ang tanawin sa ibabaw ng sementeryo. Limitado lamang sa isa o dalawang sasakyan ang pwedeng pumarada, ngunit kapag sinuwerte kang makahanap ng bakante, masisiyahan ka sa pribado at malawak na tanawin ng Lungsod ng Kochi mula sa loob ng iyong sasakyan.
Sa Kosaka Pass, mayroong Kosaka Pass Viewpoint Bus Stop na kilala sa kahanga-hangang night scenery. Mainam na isama ang Shorenji at bus stop na ito para sa isang masayang night view tour. Kung mahilig ka sa night drives, huwag palampasin ang rutang ito para makita ang kumikislap na ilaw ng lungsod.
Pangalan: Shorenji Temple
Lokasyon: Azono Ukokodani, Lungsod ng Kochi, Prepektura ng Kochi
◎ Buod
Ang Prepektura ng Kōchi, na kilala sa mga tanyag na pasyalan tulad ng Ilog Shimanto at Kastilyo ng Kōchi, ay hindi lamang para sa mga sikat na destinasyon sa araw kundi para rin sa kamangha-manghang tanawin sa gabi. Kabilang sa mga tampok nito ang Godaisan Park, na kinilala bilang isa sa “Tatlong Dakilang Tanawin sa Gabi ng Rehiyon ng Chūgoku at Shikoku,” pati na rin ang mga libreng skyline at parke na may nakama manghang tanawin. Madali lang puntahan ang mga lugar na ito mula sa sentro ng lungsod, kaya’t perpekto para sa isang night drive. Kapag bumisita ka sa Kōchi, huwag palampasin ang pagkakataong masilayan ang kahanga-hangang tanawin nito sa gabi.
Inirerekomenda para sa Iyo!
Asya Mga inirerekomendang artikulo
-
Fukuchi Onsen, ang tanyag na mainit na bukal ng kabundukan, at 6 na inirerekomendang pasyalan sa lugar!
-
6 na pinakamagandang pasyalan sa Mie na pwedeng i-enjoy kahit maulan
-
Sulitin ang Mojiko Retro! 13 na pinakamagagandang pasyalan na dapat bisitahin sa makulay na distrito ng Moji
-
15 na pinakamagandang pasyalang lugar sa Ginza: Mula pamimili hanggang kainan
-
Mamili sa Seomyeon, Busan: Tuklasin ang 4 na sikat na tindahan ng mga gamit at paninda
Asya Mga inirerekomendang artikulo
-
115 rekomendadong destinasyong panturista sa Cebu! Ang pinakamagagandang beach resort sa Pilipinas
-
2Mga Dapat Puntahang Lugar sa General Santos City- Tuklasin ang Tuna Capital ng Bansa
-
36 na tourist spots sa Bacolod! Ipinapakilala ang inirerekomendang “City of Smiles” sa Pilipinas
-
47 Pinakamagandang Tourist Spots sa East Timor: Sulitin ang Natural na Ganda ng Asya!
-
55 inirerekomendang lugar sa Maynila! Pagliliwaliw sa paligid ng lungsod na kilala bilang Perlas ng Silanganan