Mag-relaks at Maglakbay: 6 na Pinakamagagandang Pasyalan sa Ji’an, Jiangxi Province

Ang lungsod na ipakikilala namin ngayon ay ang Ji’an na matatagpuan sa Lalawigan ng Jiangxi sa Tsina. Maaaring hindi pamilyar ang Ji’an sa maraming manlalakbay, ngunit isa itong mahalagang kuta na nag-uugnay sa Ilog Yangtze at rehiyon ng Lingnan. Napapaligiran ito ng mga bundok at may mga lugar na napanatili ang sinaunang itsura, kaya’t maraming natatagong atraksyong panturista rito.
Hindi tulad ng malalaking lungsod tulad ng Beijing o Shanghai, mabagal ang daloy ng oras dito kaya't pwede kang mag-relax at maglakbay nang walang pagmamadali. Bukod pa rito, masarap at abot-kaya ang pagkain ng Chinese cuisine kaya’t masaya rin ang maghanap ng mga kainan. Ipapakilala namin ang mga dapat puntahan sa Ji’an para masulit mo ang iyong pagbisita—gamitin mo itong gabay sa iyong paglalakbay.

Itago ang Talaan ng Nilalaman

Mag-relaks at Maglakbay: 6 na Pinakamagagandang Pasyalan sa Ji’an, Jiangxi Province

1. Meibei

Sa China, maraming lumang nayon ang pinangangalagaan at binubuksan para sa mga turista bilang mga destinasyong pwedeng bisitahin. Ang Meibei, na matatagpuan sa Qingyuan District sa Lungsod ng Ji'an, ay isa sa mga lugar na pinanatili ang tradisyunal na anyo ng bayan noon.
Ang Meibei ay lugar na minsang binisita at tinuluyan ni Mao Zedong, kaya’t dinarayo ito ng maraming turista. Bagamat itinuturing itong isang lugar-pampasyalan at bahagi ng preserved zone, may mga taong aktwal pa ring naninirahan dito. Makikita mo ang mga gumagamit ng balon para sa tubig at ang iba ay naglalaba pa sa ilog—isang tanawin ng pamumuhay noong araw. Isa itong destinasyong may kakaibang alindog at banyagang ganda.

2. Diaoyuan

Ang susunod ay ang Diaoyuan, na katulad ng Meibei ay isa ring lugar kung saan makikita ang kagandahan ng lumang bayan. Mas malaki ang lawak ng nayon kumpara sa Meibei, at ang tanawin sa Diaoyuan ay parang eksena mula sa isang lumang pelikulang Tsino—nakakapukaw ng damdamin at alaala ng nakaraan.
May mga regular na pagtatanghal ng tradisyunal na sayaw kaya kung sakto ang iyong pagbisita, maaari mong masaksihan ito! Isa itong lugar-pasyalan kung saan ka makakapag pahinga at makakaranas ng kapanatagan.

3. Qingyuan Mountain

Ang Qingyuan Mountain ay isang lugar kung saan maraming templo ang matatagpuan sa loob ng kabundukan. Habang binibisita ang mga templo, maaari ka ring maglakad-lakad sa paligid ng bundok, na siyang dahilan kung bakit dinarayo ito ng maraming turista.
Mayroong mga monghe sa bawat templo, kaya kung nais mong malaman ang kasaysayan ng bawat templo, huwag mag-atubiling magtanong—mabait silang magpaliwanag.
Lalong inirerekomenda ang Qingyuan Mountain tuwing taglamig. Napakaganda ng tanawin kapag nababalot ng niyebe ang bundok at mga templo. Kung bibisita ka sa Ji’an sa panahon ng taglamig, huwag palampasin ito! Ngunit tandaan na napaka lamig sa panahong ito, kaya siguraduhing magsuot ng makakapal na damit.

4. Wenshan Pedestrian Street

Kung nais mong mamili sa Ji’an, pumunta ka sa Wenshan Pedestrian Street. Maraming shopping center, kainan, at tindahan ng mga pasalubong dito.
Dahil nasa isang probinsyang lungsod sa Tsina ito, karaniwang mababa ang presyo ng mga bilihin kaya't makakahanap ka ng magagandang deals. Lalo na sa mga kainan, sobrang mura at makakakain ka nang busog kasama ang dalawa pang tao sa halagang 1,000 yen lamang.

5. Wugong Mountain

Kung nais mong huminga ng sariwang hangin at tunay na namnamin ang kalikasan, subukang bumisita sa Wugong Mountain. Pinangangalagaan ito bilang isang mahalagang tanawin sa Tsina at dinarayo ng maraming turista.
Ang tampok ng bundok na ito ay ang kamangha-manghang tanawin ng "sea of clouds" at ang malawak na damuhang matatagpuan sa kabila nito. Karaniwang tanawin sa mga bundok ang pagtanaw sa mga ulap mula sa gilid ng bangin, ngunit dahil patag ang bahagi ng tuktok ng bundok na ito, mistulang paraiso ang tanawin ng ulap mula rito. Tiyak na sulit itong puntahan upang makalanghap ng preskong hangin sa gitna ng kalikasan!

6. Luling Cultural Ecological Park

Ang Luling Cultural Ecological Park ay naka rehistro bilang isa sa mga pangunahing tanawin sa Ji’an. Bagama’t tinatawag itong parke, wala itong mga palaruan. Sa halip, may mga tore, templo, at malalaking tarangkahan na dinarayo ng maraming turista.
Pinalilibutan ito ng mga bundok at maraming bulaklak ang itinanim sa loob ng parke, kaya’t ito ay napakaganda. Kung nais mong magpahinga sandali habang nagliliwaliw sa Ji’an, mainam na bumisita sa Luling Cultural Ecological Park.

◎ Kumusta naman?

Gaya ng nabanggit sa simula, bagama’t wala ang karangyaan ng mga lungsod tulad ng Beijing o Shanghai, ang kagandahan ng Ji'an ay nasa masining nitong makalumang tanawin at likas na kalikasan. Hinihikayat na bumisita kahit isang beses sa Jián.

Inirerekomenda para sa Iyo!

Asya Mga inirerekomendang artikulo

Asya Mga inirerekomendang artikulo