Sulitin ang Kalikasan at mga Pagkain sa Sapporo! Gabay sa Sapporo Hitsujigaoka Observation Hill

Sa napakaraming sikat na destinasyon sa Sapporo, isa sa pinaka pinupuntahan ng mga turista ay ang Sapporo Hitsujigaoka Observation Hill, na kilala sa bantayog ni Dr. Clark. Bagaman malapit ito sa sentro ng Sapporo, matatanaw dito ang nakamamanghang tanawin, masasarap na lokal na pagkain, at mga kapanapanabik na mga okasyong pana-panahon. Dahil sa matagal ng kasikatan nito, patuloy itong dinarayo ng mga bisita. Sa gabay na ito, ibabahagi namin ang mga dapat gawin, mga pagkaing dapat subukan, at paano makarating sa Hitsujigaoka Observation Hill.
Itago ang Talaan ng Nilalaman
Sulitin ang Kalikasan at mga Pagkain sa Sapporo! Gabay sa Sapporo Hitsujigaoka Observation Hill
1. Dr. Clark Statue

Sa Sapporo Hitsujigaoka Observation Hill, matatagpuan ang rebulto ni Dr. William Smith Clark, na kilala sa kanyang tanyag na pangungusap na “Boys, be ambitious.” Itinayo ito noong 1976 ng iskultor na si Tando Saka bilang paggunita sa ika-100 anibersaryo ng pagdating ni Dr. Clark sa Hokkaido. Ang kanyang nakataas na kanang kamay ay sinasabing nakaturo sa walang hanggang katotohanan sa kabila ng abot-tanaw. Sa likod ng rebulto ay makikita ang malawak na damuhan at tanawin ng lungsod ng Sapporo, kaya ito ay perpektong lugar para sa pagkuha ng magagandang alaala sa larawan.
Pangalan: Sapporo Hitsujigaoka Observation Hill
Lokasyon: 1 Hitsujigaoka, Toyohira-ku, Sapporo, Hokkaido
Opisyal na Website: https://www.hitsujigaoka.jp/?lang=ja#googtrans
2. Austria House
Ang Hitsujigaoka Austria House ay isang nakakaakit na bahay sa istilong alpino na may natatanging tatsulok na bubong. Itinayo ito noong 1972 bilang Olympic Village ng Austria para sa Sapporo Winter Olympics. Matapos ang paligsahan, ipinagkaloob ito ng Austria sa Japan bilang simbolo ng pagkakaibigan at inilipat sa Hitsujigaoka Observation Hill.
Habang bumibisita, huwag palampasin ang pagkakataong tikman ang mga espesyal na putaheng mula sa Sapporo sa café at takeout counter! Subukan ang sikat na "Shiroi Koibito" soft-serve ice cream, pana-panahong lavender soft-serve, inihaw na venison skewers, lamb buns, at sheep’s milk ice cream. Isa pang dapat tikman ay ang “Sapporo Hitsujiyaki”, isang malambot na pancake na gawa sa sariwang gatas mula sa Hokkaido University at lokal na inaning trigo—perpektong pang-Instagram!
Para sa mga pasalubong, bisitahin ang gift shop sa ikalawang palapag, kung saan makakahanap ka ng mga eksklusibong panghimagas o matatamis at natatanging alaala na matatagpuan lamang sa Hitsujigaoka Observation Hill.
Pangalan: Hitsujigaoka Observation Hill
Mga Dapat Subukan: Shiroi Koibito Soft-serve, Hitsujiyaki, Inihaw na Venison Skewers, Sheep’s Milk Ice Cream
Opisyal na Website: https://www.hitsujigaoka.jp/?lang=ja#googtrans
3. Hitsujigaoka Rest House
Kung bibisita ka sa Sapporo Hitsujigaoka Observation Hill, hindi dapat palampasin ang Hitsujigaoka Rest House! Dito, hindi lang lamb Genghis Khan BBQ ang inihahain, kundi pati na rin ang iba’t ibang karne tulad ng Ezo deer, baboy, at Shiretoko chicken, kaya siguradong may mapipili kang panlasa. Sa ikalawang palapag, na eksklusibo para sa mga regular na bisita, puwedeng kumain habang pinagmamasdan ang payapang tanawin ng pastulan.
Ang pinaka-inirerekomendang putahe ay syempre ang lamb Genghis Khan BBQ. Ang sariwang lamb meat ay walang lansa, kaya kahit ang hindi sanay sa lamb ay nag-eenjoy dito. Kung hindi ka mahilig sa lamb, huwag mag-alala—mayroon ding pork Genghis Khan BBQ, pati na rin mga pagkaing Western-style tulad ng Napolitan pasta at katsu curry. Isa itong perpektong lugar para sa mga mahilig sa karne o sa mga naghahanap ng masarap na kainan na may nakaka-relaks na tanawin!
4. Snow Park

Mula Enero hanggang unang bahagi ng Marso, ang Snow Park ay isang hindi dapat palampasing atraksyon tuwing taglamig para sa lahat ng edad! Isa sa mga pinaka-patok na aktibidad ay ang "Tube Sliding," kung saan pwedeng sumakay sa isang rubber tube at dumulas pababa sa snow slope—kasiyahan ito para sa mga bata at matatanda. Mayroon ding "Walking Skiing" at "Snow Park Golf," perpekto para sa mga gustong maglibot sa niyebe habang nag-eenjoy sa malamig na tanawin.
Para sa mga pamilya na may maliit na bata, tiyak na magugustuhan ang "Mini Snowman Making," kung saan pwedeng gumawa ng sariling snowman, pati na rin ang "Snow Strider," isang espesyal na skiing experience para sa mga batang 2 hanggang 5 taong gulang. Huwag ding kalimutang subukan ang sledding slides, kung saan maaaring dumulas ang mga bata sa maliit na snow hill, o pumasok sa isang igloo para sa perpektong magpalitrato. Kung naghahanap ka ng masasayang aktibidad sa nyebe sa Sapporo, siguradong sulit ang pagbisita sa Snow Park!
5. Sapporo Snow Festival Museum
Ang Sapporo Snow Festival, na ginaganap tuwing unang bahagi ng Pebrero, ay isa sa pinakamalaking kaganapan sa Hokkaido at kilala sa buong mundo. Para sa mga gustong malaman ang mahigit 70 taong kasaysayan ng festival, dapat bisitahin ang Sapporo Snow Festival Museum. Matatagpuan ito sa tabi ng Clark Chapel, at madali itong makita dahil sa puting gusali na may pulang bubong.
Nahahati sa dalawang palapag, ang museo ay puno ng interesanteng eksibit tungkol sa kasaysayan ng kapistahan. Dalawang pangunahing atraksyon ang dapat makita dito. Una, ay ang Snow Festival Poster Exhibition Corner, kung saan makikita ang mga vintage poster ng pista mula sa nakaraang dekada. At ang Snow Sculpture Model Exhibition Corner, na nagpapakita ng detalyadong mga replika ng sikat na snow sculptures mula sa nakaraang taon.
Bukod pa rito, may video presentation na ipinapalabas sa loob ng museo, kaya't kahit hindi ka pa nakadalo sa pista, mararamdaman mo ang saya at kahanga-hangang kagandahan nito.
6. Sapporo Blanc Birch Chapel
Ang Sapporo Blanc Birch Chapel ay isang napakagandang puting kapilya na napapaligiran ng luntiang tanawin. Ang pangalang “Blanc Birch” ay tumutukoy sa mga puno ng white birch sa paligid nito, na lumilikha ng kagila-gilalas na contrast sa asul na langit.
Bukod sa pagiging isang destinasyon, ang kapilyang ito ay isang sikat na lokasyon ng kasal, kung saan maaaring idaos ang mga seremonya ng kasal. Regular ding ginaganap ang mga bridal fair, kaya't kung pangarap mong ikasal sa isang napakagandang tagpuan sa Sapporo, magandang bisitahin ito.
Ang isa pang itinampok ng kapilya ay ang third-floor rooftop observation area, na bukas sa publiko. Mula rito, matatanaw ang mga luntiang lavender fields, puting kagubatan ng birch trees, at maging ang pastulan kung saan malayang nanginginain ang mga tupa—isang perpektong tanawin na parang kuha sa isang postcard.
◎ Paano Pumunta sa Hitsujigaoka Observation Hill
【Gamit ang Tren】
Mula sa JR Sapporo Station, sumakay sa Toho Subway Line at bumaba sa Fukuzumi Station. Paglabas, pumunta sa Bus Stop No. 4 sa Fukuzumi Station Bus Terminal, at sumakay sa Fukuzumi 84 (Hitsujigaoka Line) bus papunta sa Hitsujigaoka Observation Hill. Tinatayang 10 minuto ang biyahe.
【Gamit ang Kotse】
Mula sa Sapporo Station, magmaneho patungo sa Ishikari at Soseigawa Street (Route 5). Sundan ang kalsada sa tabi ng Sosei River at lumiko sa Minami 7-jo / Moeritsu Street. Pagtawid sa Minami 7-jo Bridge, lumiko pakanan papunta sa Toyo Hiragawa Street. Magpatuloy sa pagmamaneho kasabay ng Toyohira River, pagkatapos ay lumiko pakaliwa sa Munich Bridge papunta sa Fukuzumi-Soen Street. Dumiretso ng 11 km, at mararating mo na ang observation hill. Libre ang paradahan.
Inirerekomenda para sa Iyo!
Asya Mga inirerekomendang artikulo
-
Isang Nakakamanghang UNESCO World Heritage Hot Spring Destination! Tuklasin ang mga Kababalaghan ng Denizli, Turkey
-
Masiyahan sa Kalikasan, Sining, at Outlet Shopping! 10 Pinakamagagandang Destinasyon sa Yatsugatake, Hokuto City
-
Damhin ang Hiwaga ng Kalikasan sa Geospot na “Dogashima”!
-
5 Piniling Rekomendadong Pasyalan sa Luntiang Lungsod ng Kuroiso, Prepektura ng Tochigi
-
Punong-Puno ng Mga Tagong Hiyas na Tanging Ilan Lamang ang Nakakaalam! 6 Na Dapat Puntahang Lugar sa Paligid ng Tenninkyo Onsen
Asya Mga inirerekomendang artikulo
-
1
15 rekomendadong destinasyong panturista sa Cebu! Ang pinakamagagandang beach resort sa Pilipinas
-
2
Mga Dapat Puntahang Lugar sa General Santos City- Tuklasin ang Tuna Capital ng Bansa
-
3
Tuklasin ang kalikasan ng Davao, ang ikatlong pinakamalaking lungsod sa Pilipinas at isang popular na destinasyon ng turista
-
4
7 Pinakamagandang Tourist Spots sa East Timor: Sulitin ang Natural na Ganda ng Asya!
-
5
Puerto Princesa: Tuklasin ang Hiyas ng Paraiso sa Palawan