Magandang Pampublikong Sasakyan sa Bangkok: Paano Sumakay ng Tuk-Tuk at Magkano ang Pamasahe?

Mahalaga ang pagpili ng tamang transportasyon kapag naglalakbay. Sa ibang bansa, kailangang alamin kung paano gumagana ang pampublikong sasakyan tulad ng bus, taxi, o tren. Isa sa mga pinakasikat at natatanging sasakyan sa Bangkok ay ang tuk-tuk—isang tatlong-gulong na sasakyang makikita sa Thailand. Bagamat may cute na pangalan at lumang disenyo, ang tuk-tuk ay mabilis at kayang dumaan sa makikitid na kalsada. Alamin kung paano sumakay ng tuk-tuk at magkano ang karaniwang pamasahe upang mas maging maginhawa at masaya ang iyong paglalakbay sa Bangkok!
Itago ang Talaan ng Nilalaman
Magandang Pampublikong Sasakyan sa Bangkok: Paano Sumakay ng Tuk-Tuk at Magkano ang Pamasahe?
1. Ano ang Tuk-Tuk?
Ang tuk-tuk ay isang karaniwang sasakyan sa Bangkok. Ang pangalan nitong “tuk-tuk” ay nagmula umano sa tunog ng makina nito. Isa itong tatlong-gulong na sasakyan na parang taxi, kung saan inihahatid ang mga pasahero sa kanilang destinasyon. Matatagpuan ang upuan sa likuran, may bubong ngunit walang bintana, pinto, o aircon.
Ang tuk-tuk ay isang binagong motorsiklo, habang ang katulad nitong sasakyan na mula sa isang maliit na kotse ay tinatawag na "samlor." Karaniwan, tatlong matanda ang maaaring maupo ng komportable, ngunit may pagkakataon ding limang tao ang sumasakay dito.
2. Paano Sumakay ng Tuk-Tuk sa Bangkok

Makikita ang mga tuk-tuk sa mga pangunahing tourist spots sa Bangkok, madalas na nakapila sa harap ng mga sikat na templo, hotel, at shopping malls.
Upang huminto ng umaandar na tuk-tuk, manatili sa bangketa at ituro ang braso pababa sa gilid na may nakaharap na palad. Huwag lumabas sa kalsada para huminto ng tuk-tuk dahil delikado ito. Kapag nakita ka ng driver, hihinto siya sa gilid ng kalsada upang sunduin ka.
Kung nais mong maranasan ang tunay na kultura ng Bangkok, subukan ang pagsakay sa tuk-tuk para sa isang masayang at di-malilimutang biyahe!
3. Gabay sa Pamasahe ng Tuk-Tuk

Ang mga tuk-tuk ay walang metro tulad ng taxi, kaya kailangang makipagkasundo muna sa pamasahe bago sumakay. Ang presyo ay nagbabago depende sa layo ng destinasyon.
Bilang gabay, ang karaniwang pamasahe para sa maikling biyahe (katumbas ng 5–15 minutong paglalakad) ay nasa 30–40 THB (humigit-kumulang 100–130 PHP). Kung ang byahe ay katumbas ng 30 minutong paglalakad, karaniwang nagkakahalaga ito ng 50 THB (mga 160 PHP), habang ang mas mahahabang ruta ay humigit-kumulang 70 THB (mga 220 PHP). Tandaan na maaaring tumaas ang presyo kapag umuulan o may matinding trapiko.
Upang maiwasan ang paniningil ng sobra, siguraduhing tanungin at pag-usapan ang presyo bago sumakay. Mas mainam kung may kasama ka at sabay kayong makikipagtawaran sa driver. Siguraduhin ding may dalang barya o maliliit na pera upang maiwasan ang problema sa sukli, dahil may ilang manlolokong driver na hindi na isinauli ang iyong sukli o nagsasabing wala silang panukli.
4. Bakit Napaka Ginhawa ng Tuk-Tuk sa Bangkok?

Nahihirapan ka bang humanap ng taxi sa Bangkok o hindi ka sinasakay dahil masyadong maikli ang biyahe? Dito papasok ang tuk-tuk, ang pinakamadaling paraan upang makapaglakbay ng mabilis at walang abala. Hindi tulad ng taxi, tinatanggap ng tuk-tuk kahit maiikling ruta, kaya ito ay isa sa pinaka-maginhawang transportasyon sa lungsod.
Dahil maliit at madaling makasingit sa trapiko, ang tuk-tuk ay kayang dumaan sa makikitid na kalsada at mabilis na makakarating sa iyong destinasyon. Kung pagod ka na sa kakaikot o may mabigat kang pinamili, sumakay na lang ng tuk-tuk para sa isang mabilis at komportable ang biyahe. Subukan ang awtentikong Bangkok experience sa pamamagitan ng pagsakay sa tuk-tuk!
5. Bagay na Dapat Tandaan Kapag Sumasakay ng Tuk-Tuk sa Bangkok
Ang tuk-tuk ay isang mabilis at maginhawang sasakyan sa Bangkok, pero may ilang bagay na dapat pag-ingatan. Sa mga sikat na tourist spots, makakakita ka ng mga driver na masyadong mapilit sa pag-aalok ng sakay. May ilang mapanlinlang na driver na maaaring dalhin ka sa ibang destinasyon nang hindi mo gusto, kaya laging maging alerto. Para sa iyong kaligtasan, iwasan ang pagsakay sa tuk-tuk nang mag-isa at huwag gamitin ito tuwing dis-oras ng gabi.
Bukod dito, may ilang tuk-tuk driver na maaaring subukang dalhin ka sa mga tindahan ng alahas o souvenir shop sa halip na sa iyong totoong destinasyon. Kapag nangyari ito, huwag matakot na tumanggi at sabihin ang isang matatag na “Hindi.” Mahalagang maging matapang upang maiwasan ang ganitong klase ng panlilinlang sa mga turista.
◎ Buod
Ang tuk-tuk sa Bangkok ay may kakaibang alindog, dahil mabilis ang takbo nito, siguraduhing mahigpit na humawak sa handrails at bantayang mabuti ang iyong mga gamit upang hindi ito mahulog. Sa tamang paggamit ng tuk-tuk, mas masisiyahan ka sa iyong paglalakbay at masusulit ang iyong pagbisita sa Bangkok.
Inirerekomenda para sa Iyo!
Asya Mga inirerekomendang artikulo
-
Tikman ang sariwang seafood sa magarang lugar ng Marina Bay!
-
Narito ang aming mga rekomendasyon! Pagpapakilala sa mga tanyag na destinasyong panturista sa “lungsod ng industriya” na Hamamatsu
-
Paano Mag-enjoy sa Takeshita Street sa Harajuku – Ang Lugar ng Kabataan na Nangunguna sa Uso!
-
Ang Daming Kuneho! Mag-relaks sa Tsukiusagi-no-Sato, Isang Tagong Pasyalan sa Ishikawa Prefecture
-
3 tourist spots sa pandaigdigang lungsod ng Navoi, isang mahalagang sentrong pang-transportasyon mula pa noong sinaunang panahon
Asya Mga inirerekomendang artikulo
-
1
15 rekomendadong destinasyong panturista sa Cebu! Ang pinakamagagandang beach resort sa Pilipinas
-
2
7 Pinakamagandang Tourist Spots sa East Timor: Sulitin ang Natural na Ganda ng Asya!
-
3
Mga Dapat Puntahang Lugar sa General Santos City- Tuklasin ang Tuna Capital ng Bansa
-
4
Tuklasin ang kalikasan ng Davao, ang ikatlong pinakamalaking lungsod sa Pilipinas at isang popular na destinasyon ng turista
-
5
6 na tourist spots sa Bacolod! Ipinapakilala ang inirerekomendang “City of Smiles” sa Pilipinas