[Hokkaido] Kailan ang Pinakamagandang Panahon para Makakita ng Unkai Terrace? | Impormasyon para sa One-Day Trip Viewing

Ang Unkai Terrace ay isa sa pinaka kahanga-hangang tanawin sa Hokkaido. Sa artikulong ito, alamin ang pinakamahusay na oras para bumisita at kung paano mo mararanasan ang kamangha-manghang tanawin na ito kahit sa isang day trip lamang.
Ang Unkai Terrace ay isang nakakamanghang viewing deck na matatagpuan sa Tomamu area sa gitnang Hokkaido. Maaari itong marating sa pamamagitan ng gondola mula sa Hoshino Resorts Tomamu at nag-aalok ng pambihirang tanawin ng "Sea of Clouds"—isang likas na phenomenon na hindi maaaring likhain ng tao. Dahil sa kanyang kagandahan, sumikat ito sa social media at dinarayo ng maraming turista para masaksihan ang mala-fantasyang tanawin.
Kung nais mong masaksihan ang kahanga-hangang tanawing ito, narito ang gabay sa pinakamainam na panahon ng pagbisita at kung paano mo ito mararanasan sa isang day trip. Maraming turista ang bumibisita sa Hokkaido para sa karanasang ito, kaya gamitin ang gabay na ito para sa isang perpektong paglalakbay!
Itago ang Talaan ng Nilalaman
[Hokkaido] Kailan ang Pinakamagandang Panahon para Makakita ng Unkai Terrace? | Impormasyon para sa One-Day Trip Viewing
Ano ang Unkai Terrace?

Ang Unkai Terrace ay itinatag noong 2007 upang bigyan ang mga bisita ng pagkakataong masaksihan ang kahanga-hangang sea of clouds o unkai sa madaling araw. Mayroon itong café kung saan maaaring mag-enjoy ng isang maringal na umaga. Hanggang ngayon, isa ito sa mga pinakasikat na atraksyon para sa mga naghahanap ng payapang umaga na may kahanga-hangang tanawin.
Ang tanawin mula sa Unkai Terrace ay isang tunay na "likhang-sining ng kalikasan." Upang marating ito, kailangang sumakay sa gondola mula sa Hoshino Resort Tomamu Resort Center, isang biyahe na tumatagal ng humigit-kumulang 13 minuto. Sa taas na 1,239 metro, ang tuktok ng Bundok Tomamu ay nasa ibabaw na ng mga ulap, na nagbibigay ng kakaibang mundo na malayo sa karaniwang tanawin sa ibaba.
Ang "Unkai" o dagat ng ulap ay isang likas na pangyayari kung saan lumilitaw ang makapal na ulap sa ibaba ng tagamasid, na parang isang malawak na karagatan. Sa Tomamu, ang unkai ay nabubuo dahil sa maraming salik ng heograpiya tulad ng komplikadong lupain ng Hidaka Mountain Range, ang layo nito mula sa Pacific Ocean, at ang kakaibang topograpiya ng lugar.
Gaano kadalas lumilitaw ang Unkai sa Unkai Terrace?

Hindi laging lumilitaw ang sea of clouds sa Unkai Terrace dahil ito ay nakadepende sa tamang kondisyon ng panahon. Sa karaniwan, ang posibilidad na makakita ng unkai ay 30% lamang. Kaya kahit na mag-check-in ka sa Hoshino Resort Tomamu, walang kasiguraduhan na makikita mo ang unkai sa iyong pagbisita.
Pinakamagandang Panahon Para Bumista sa Unkai Terrace

Laging may kahanga-hangang tanawin sa Unkai Terrace, kahit walang ulap sa paligid. Sa maaliwalas na panahon, tanaw ang magagandang bundok ng Tomamu. Gayunpaman, karamihan sa mga turista ay pumupunta rito upang masaksihan ang mistikal na sea of clouds (unkai). Ang paglitaw ng unkai ay nakadepende sa panahon, at oras ng pagbisita.
Karaniwan, nagaganap ang unkai mula tagsibol hanggang taglagas, partikular mula Mayo hanggang kalagitnaan ng Oktubre. Sa panahon ng taglamig, hindi ito nabubuo. Samakatuwid, ang pinakamagandang panahon para bumisita sa Unkai Terrace ay mula tagsibol hanggang taglagas. Karaniwan ding maagang umaga ang pinakamainam na oras para makita ito, kaya kinakailangang gumising nang maaga upang magkaroon ng mas mataas na posibilidad na makita ang sea of clouds.
Narito ang pinakamagandang oras at panahon para mas ma-enjoy ang unkai.
Pinakamagandang Panahon: Tag-init na Unkai
Isa sa pinakamagandang panahon para bumisita sa Unkai Terrace ay Agosto, sa kalagitnaan ng tag-init. Bagama't sikat ang snowy mountains ng Tomamu sa taglamig, nagiging luntiang kabundukan ito tuwing tag-init, na nag-aalok ng kakaibang tanawin. Sa swerteng pagkakataon, makikita ang sea of clouds na bumabalot sa mga berdeng bundok, na nagbibigay ng kahanga-hangang tanawin.
May anim na viewing decks sa Unkai Terrace, kabilang ang:
• Cloud Walk – Isang tulay na tila nasa ibabaw ng mga ulap.
• Cloud Pool – Isang hammock-style na lugar para sa mas relaks na pananaw.
Bawat observation deck ay may kanya-kanyang natatanging tanawin, kaya siguradong sulit ang iyong pagbisita.
Bagama’t tag-init, maaaring malamig sa bundok, kaya inirerekomendang magdala ng jacket o makapal na damit para manatiling komportable.
Unkai Terrace sa Taglagas: Pinakamagandang Tanawin sa Madaling Araw

Ang pinakamainam na panahon para masaksihan ang kamangha-manghang Unkai Terrace o "Sea of Clouds" ay sa madaling araw ng taglagas, lalo na mula Setyembre pataas.
Habang papalapit ang taglamig, mas lumalalim ang pagsikat ng araw bawat araw, kaya't maaari mong makita ang pagsasanib ng bukang-liwayway at ulap sa isang nakama manghang tanawin. Masdan kung paano dahan-dahang sumisikat ang araw mula sa linya ng mga ulap, tinatabunan ang buong paligid ng mapusyaw na pulang liwanag. Bukod dito, ang ginintuang dahon ng mga puno sa Bundok Tomamu ay nagbibigay ng kakaibang ganda na tanging sa taglagas lang makikita.
Gayunpaman, mas malamig na ang klima sa Unkai Terrace tuwing taglagas kumpara sa tag-init. Lalo na sa madaling araw, maaaring umabot sa nagyeyelong lamig, kaya't ipinapayong magsuot ng mas makapal at mainit na kasuotan para sa mas komportable na karanasan.
Pwede Bang Bisitahin ang Unkai Terrace sa Isang Araw?

Interesado ka bang pumunta sa Unkai Terrace nang hindi nag-o-overnight? Narito ang gabay sa tamang ruta. Una, dapat mong puntahan ang Hoshino Resort Tomamu, isang sikat na resort na nagsisilbing base para sa Unkai Terrace.
Kung magpapalipas ka ng gabi, maaari kang makarating sa resort gamit ang kotse o tren, at may airport shuttle service din para sa mga bisita.
Kung magmamaneho ka, ang pinakamalapit na exit sa expressway ay Tomamu IC. Mula sa New Chitose Airport, tinatayang 1 oras at 30 minuto ang biyahe. Ang pagrenta ng kotse mula sa paliparan ang pinaka-maginhawang opsyon.
Para sa mga mag-o-overnight, siguraduhing pumunta nang maaga sa Unkai Gondola Base Station. Ang gondola ay bukas mula 4:30 hanggang 5:00 AM (depende sa season). May libreng shuttle mula sa hotel, pero maaari ding maglakad papunta sa estasyon dahil malapit lang ito.
Gayunpaman, kung day trip lang ang plano mo, tandaan na walang pampublikong transportasyon (tulad ng tren) na umaandar nang sapat na maaga para marating ang Unkai Terrace bago sumikat ang araw. Pinakamainam na bumiyahe gamit ang kotse at dumating sa lugar bago madaling araw upang masaksihan ang mala-paraisong tanawin ng dagat ng ulap.
https://maps.google.com/maps?ll=43.077074,142.598892&z=13&t=m&hl=ja&gl=JP&mapclient=embed&cid=14105067874371385855
◎ Unkai Terrace: Isang Dapat Puntahan na Destinasyon sa Hokkaido
Sa artikulong ito, ibinabahagi namin ang detalyadong impormasyon tungkol sa Unkai Terrace, isa sa pinaka-kamangha-manghang tanawin sa Hokkaido. Sa dami ng natural na ganda sa rehiyong ito, ang sea of clouds sa Unkai Terrace ay isang hindi dapat palampasin na tanawin para sa mga manlalakbay.
Bagamat hindi laging sigurado ang paglitaw ng sea of clouds, ang sinumang makakita nito ay tiyak na mapapahanga sa nakabibighaning tanawin. Gayunpaman, kahit hindi lumitaw ang ulap, ang tanawin ng kabundukan ng Tomamu ay sapat na upang gawing sulit ang iyong pagbisita.
Isa ang Unkai Terrace sa mga pinakatanyag na destinasyon sa Hokkaido, na nagbibigay ng isang natatanging karanasan sa ulap. Kung nagpaplano kang bumisita sa kahanga-hangang lugar na ito, gamitin ang gabay na ito upang masulit ang iyong paglalakbay.
Inirerekomenda para sa Iyo!
Asya Mga inirerekomendang artikulo
-
Masayang Cave Exploration sa Abukuma Cave! Kumpletong Gabay sa Mga Dapat Mong Makita
-
7 Sikat na Tulay sa Okinawa — Sulitin ang Tanawin Mula sa Itaas ng Dagat!
-
4 na Natural na Pasyalan sa Lungsod ng Neyagawa kung saan Magkasamang Namumuhay ang Tubig at Luntiang Kalikasan
-
12 Rekomendadong Pasyalan sa Minamiboso! Damhin ang Ganda ng Lungsod ng mga Bulaklak na May Kaaya-ayang Klima
-
Unang Pagbisita sa Sinaunang Lungsod? Dito Ka na Magsimula! 14 Sikat at Klasikong Destinasyon sa Lungsod ng Kyoto
Asya Mga inirerekomendang artikulo
-
1
15 rekomendadong destinasyong panturista sa Cebu! Ang pinakamagagandang beach resort sa Pilipinas
-
2
Tuklasin ang kalikasan ng Davao, ang ikatlong pinakamalaking lungsod sa Pilipinas at isang popular na destinasyon ng turista
-
3
Mga Dapat Puntahang Lugar sa General Santos City- Tuklasin ang Tuna Capital ng Bansa
-
4
Puerto Princesa: Tuklasin ang Hiyas ng Paraiso sa Palawan
-
5
World Heritage Site “Puerto Princesa Underground River National Park” Ang huling hindi pa na-explore na rehiyon sa Pilipinas!