Mga Lokal na Flight (sa loob ng Japan) - Paggamit ng skyticket

1.Paghahanap ng Ticket ng Eroplano

Mangyaring piliin ang iyong mga mas gustong opsyon (mga petsa ng pag-alis, lugar ng pag-alis, destinasyon ng pagdating) mula sa screen ng paghahanap at i-click ang buton na “maghanap”.

Tumatanggap din kami ng mga reserbasyon sa pamamagitan ng e-mail at telepono (Tel: 03-6450-2512).

* Mangyaring tandaan na sisingilin ang JPY500 na singil sa pag-asikaso (bawat pasahero bawat one-way) para sa mga kumpirmadong reserbasyong ginawa sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono
(Ang singil sa pag-asikaso sa itaas ay kinakailangang bayaran)
LIBRE ang mga konsultasyon tungkol sa mga reserbasyon ng flight. Tawagan mo kami kung kailangan mo ng tulong.

2. Mga Resulta ng Paghahanap

Ipinapakita ang mga resulta ng paghahanap alinsunod sa mga kagustuhang inilagay sa paghahanap.
Ipapakita ng mga resulta ng paghahanap ang mga flight ng iba't ibang airline.

* HINDI ipinapakita sa mga resulta ng paghahanap ang mga available na upuan

Kapag gumagawa ng reserbasyon, i-click ang kahon ng ruta ng flight na iyong gusto,
at pagkatapos ay i-click ang buton na "Susunod" sa ibaba ng pahina para ipagpatuloy ang iyong reserbasyon.

3.Screen ng Reserbasyon

Punan ang mga kinakailangang impormasyon at i-click ang buton na "Susunod" (siguraduhing tama ang iyong inilagay) para magpatuloy sa pahina ng kumpirmasyon.
Maaaring isumite ang mga online na reserbasyon 24 oras bawat araw.

* Lahat ng mga patlang na naka-markang "Kinakailangan" ay dapat punan
* Ang iyong reserbasyon sa online ay hindi pa isang kumpirmadong booking
Tandaan: Makukumpleto lamang ang iyong reserbasyon matapos kang makatanggap ng e-mail ng kumpirmasyon (invoice)
* Mangyaring siguraduhin na tama ang ibinigay mong impormasyon sa oras ng pagpapareserba
* Mangyaring tandaan na maaaring hindi ka pasakayin ng eroplano kung may mga pagkakamali sa impormasyong ibinigay mo (gaya ng maling spelling ng pangalan) sa oras ng pagpapareserba

4.Screen ng Kumpirmasyon ng Reserbasyon

Mangyaring tiyakin at siguraduhing tama ang impormasyong ibinigay mo kapag gumagawa ng reserbasyon.
I-click ang buton na "Isumite" para maproseso ang iyong hiling matapos mong kumpirmahin na tama ang lahat ng impormasyong iyong inilagay.

5.Screen ng Kumpletong Reserbasyon

Isang awtomatikong e-mail na naglalaman ng iyong mga inilagay na detalye ang ipapadala sa inirehistro mong e-mail address.
Isang hiwalay na e-mail na kumukumpirma sa iyong reserbasyon ang ipapadala pagkatapos mong makumpleto ang iyong online na reserbasyon.

6.Invoice at Pagbayad

Mangyaring tiyakin ang mga detalye ng flight para siguraduhing tama ang lahat ng impormasyon at basahin ang patakaran ng kanselasyon kapag natanggap mo na ang invoice (e-mail ng kumpirmasyon). Kapag natiyak mong tama na ang lahang ng detalye ng (mga) flight, mangyaring magbayad (bank remittance o credit card) bago ang deadline ng pagbili. Ipoproseso namin ang pag-isyu ng iyong (mga) ticket ng eroplano kapag kumpirmado na naming natanggap ang iyong bayad.

[Paraan ng Pagbayad]:Paraan ng Pagbayad

* Mangyaring basahin ang "Patakaran ng Kanselasyon" bago magbayad

* Para sa pag-isyu ng resibo ng mga biniling ticket, mangyaring i-access ang pahinang "Mag-isyu ng Resibo"
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pag-isyu ng resibo, mangyaring tingnan ang aming "Mag-Isyu ng Resibo" na pahina

Ang e-mail na "Final Confirmation" kasama ang mga pamamaraan para sa iyong check-in at boarding ay ipapadala sa iyo sa loob ng 3 araw matapos mong matanggap ang e-mail na "Pagkumpirma sa Pagbabayad". Kung hindi mo matanggap ang e-mail na "Final Confirmation" sa loob ng itinakdang oras, mangyaring mag-login sa skyticket at lagyan ng check ang "Lista ng E-mail".

7. Pagkuha ng E-ticket

Mga flight sa ANA, JAL, Air Do (ADO), Starflyer (SFJ), Solaseed Air (SNA), ORC, IBX

Ang mga e-ticket ay ipapadala sa iyo sa pamamagitan ng e-mail o fax kapag bumili ka ng mga ticket sa online mula sa skyticket (matatanggap mo ang iyong boarding pass sa paliparan sa mismong araw ng iyong pag-alis).
Isang e-mail na naglalaman ng mga numero ng kumpirmasyon at reserbasyon para sa pagpapapalit para sa ticket ng eroplano ang ipapadala sa iyo.


<Pag-check-in at Pagsakay>

Mangyaring sundin ang alinman sa mga sumusunod na pamamaraan
・ Ipresenta ang iyong numero ng kumpirmasyon sa tauhan ng check-in sa check-in counter
・ Ilagay ang iyong numero ng kumpirmasyon upang mag-check-in sa automated na makina ng check-in

* Sa mga paliparan kung saan walang automated na makina ng check-in, ang pag-check-in ay dapat gawin sa mga check-in counter
Mangyaring mag-check-in nang hindi bababa sa 20 minuto bago ang naka-schedule na oras ng pag-alis

Mga Flight sa Fuji Dream (FDA), Amakusa Airlines(AMX)

Ang mga e-ticket ay ipapadala sa iyo sa pamamagitan ng e-mail o fax kapag bumili ka ng mga ticket sa online mula sa skyticket (matatanggap mo ang iyong boarding pass sa paliparan sa mismong araw ng iyong pag-alis).
Isang e-mail na naglalaman ng numero ng reserbasyon para sa pagpapapalit para sa ticket ng eroplano ang ipapadala sa iyo.


<Pag-check-in at Pagsakay>

Mangyaring sundin ang alinman sa mga sumusunod na pamamaraan
・ Ipresenta ang iyong numero ng reserbasyon sa tauhan ng check-in sa check-in counter
・ Ilagay ang iyong numero ng reserbasyon upang mag-check-in sa automated na makina ng check-in

* Sa mga paliparan kung saan walang automated na makina ng check-in, ang pag-check-in ay dapat gawin sa mga check-in counter
Mangyaring mag-check-in nang hindi bababa sa 20 minuto bago ang naka-schedule na oras ng pag-alis

Mga Flight sa Skymark Airlines (SKY)

Ang (mga) exchange slip ng ticket ng eroplano ay ipapadala sa iyo sa pamamagitan ng e-mail o fax.


<Pag-check-in at Pagsakay>

Mangyaring sundin ang alinman sa mga sumusunod na pamamaraan
・ Mag-check-in sa automated na makina ng check-in sa pamamagitan ng pag-scan ng bar code na nakalagay sa iyong pahina ng kumpirmasyon
・ Ipresenta ang exchange slip ng iyong ticket ng eroplano sa check-in counter

Mangyaring mag-check-in nang hindi bababa sa 20 minuto bago ang naka-schedule na oras ng pag-alis

Jetstar, Peach, Vanilla Air, Spring Autumn Air For Japan, AirAsia flight

Ang (mga) numero ng reserbasyon ay ipapadala sa iyo sa pamamagitan ng e-mail.


<Pag-check-in at Pagsakay>

Mangyaring sundin ang alinman sa mga sumusunod na pamamaraan
・ Ilagay ang iyong numero ng reserbasyon upang mag-check-in sa automated na makina ng check-in
・ Ipresenta ang iyong numero ng reserbasyon sa tauhan ng check-in sa check-in counter

Mangyaring mag-check-in nang hindi bababa sa 35 minuto bago ang naka-schedule na oras ng pag-alis
Ang pagpili ng mga upuan ay maaari lamang gawin sa araw ng pag-alis (magkakaroon ng karagdagang mga singil ang mga inireserbang upuan)