Mga Internasyonal na Flight - Paggamit ng skyticket

1.Paghahanap ng Ticket ng Eroplano

Mangyaring piliin ang iyong mga mas gustong opsyon (mga petsa ng pag-alis, lugar ng pag-alis, destinasyon ng pagdating) mula sa screen ng paghahanap at i-click ang buton na “maghanap”.

2. Mga Resulta ng Paghahanap

Ipinapakita ang mga resulta ng paghahanap alinsunod sa mga kagustuhang inilagay sa paghahanap.
Ipapakita ng mga resulta ng paghahanap ang mga flight ng iba't ibang airline.

* HINDI ipinapakita sa mga resulta ng paghahanap ang mga available na upuan

Sa paggawa ng reserbasyon, i-click ang "Ipakita ang mga Detalye" para sa rutang nais mong i-book, kasunod ng "Ireserba ang (mga) ticket" at tumuloy sa screen ng reserbasyon.

3.Screen ng Reserbasyon

Punan ang mga kinakailangang impormasyon at i-click ang buton na "Susunod" (siguraduhing tama ang iyong inilagay) para magpatuloy sa pahina ng kumpirmasyon.
Maaaring isumite ang mga online na reserbasyon 24 oras bawat araw.

* Lahat ng mga patlang na naka-markang "Kinakailangan" ay dapat punan
* Ang iyong reserbasyon sa online ay hindi pa isang kumpirmadong booking
* Mangyaring siguraduhin na tama ang ibinigay mong impormasyon sa oras ng pagpapareserba
* Mangyaring tandaan na maaaring hindi ka pasakayin ng eroplano kung may mga pagkakamali sa impormasyong ibinigay mo (gaya ng maling spelling ng pangalan) sa oras ng pagpapareserba

4.Screen ng Kumpirmasyon ng Reserbasyon

Mangyaring tiyakin at siguraduhing tama ang impormasyong ibinigay mo kapag gumagawa ng reserbasyon.
I-click ang buton na "Isumite" para maproseso ang iyong hiling matapos mong kumpirmahin na tama ang lahat ng impormasyong iyong inilagay.

[Agarang Pagbayad ng mga Reserbasyon]
Kinakailangan ng ilang mga LCC na flight ang agarang (mga) pagbayad sa online sa pamamagitan ng mga credit card kapag ginawa mo ang iyong mga reserbasyon.
* Ang (mga) pagbayad sa pamamagitan ng credit card ay ipoproseso sa oras na makumpleto mo ang iyong online na reserbasyon
 (Mangyaring siguraduhin na tama ang lahat ng impormasyong inilagay)

5.Screen ng Kumpletong Reserbasyon

Isang awtomatikong e-mail na naglalaman ng iyong mga inilagay na detalye ang ipapadala sa inirehistro mong e-mail address.
Isang hiwalay na e-mail na kumukumpirma sa iyong reserbasyon ang ipapadala pagkatapos mong makumpleto ang iyong online na reserbasyon.

[Agarang Pagbayad ng mga Reserbasyon]
Sa oras na makumpleto ang reserbasyon at pagbayad, isang e-mail ang ipapadala sa iyo sa pamamagitan ng address na iyong inirehistro sa amin.
→ Pagkuha ng E-ticket
* Isang hiwalay na e-mail ang ipapadala sa iyo kapag wala nang mga bakanteng upuan o kapag hindi makumpleto ang mga reserbasyon

6.Invoice at Pagbayad

Mangyaring tiyakin ang mga detalye ng flight para siguraduhing tama ang lahat ng impormasyon at basahin ang patakaran ng kanselasyon kapag natanggap mo na ang invoice (e-mail ng kumpirmasyon). Kapag natiyak mong tama na ang lahang ng detalye ng (mga) flight, mangyaring magbayad (bank remittance o credit card) bago ang deadline ng pagbili. Ipoproseso namin ang pag-isyu ng iyong (mga) ticket ng eroplano kapag kumpirmado na naming natanggap ang iyong bayad.

[Paraan ng Pagbayad]:Paraan ng Pagbayad

* Mangyaring basahin ang "Patakaran ng Kanselasyon" bago magbayad

* Para sa pag-isyu ng resibo ng mga biniling ticket, mangyaring i-access ang pahinang "Mag-isyu ng Resibo"
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pag-isyu ng resibo, mangyaring tingnan ang aming "Mag-Isyu ng Resibo" na pahina

7. Pagkuha ng E-ticket

Matapos makumpirma ang iyong bayad, isang e-mail na naglalaman ng kopya ng e-ticket ang ipapadala sa iyo.
Mangyaring mag-print ng kopya ng iyong e-ticket mula sa link na ibinigay sa e-mail.

* Kung iyong hihilingin, maaaring magpadala ng kopya ng iyong e-ticket sa pamamagitan ng fax sa loob ng 3 araw mula sa petsa ng iyong pagbayad
 (Mangyaring makipag-ugnayan sa amin kung kailangan mong maipadala sa iyo ang iyong e-ticket sa pamamagitan ng fax)
* Mangyaring siguraduhing mag-print at magdala ng kopya ng iyong e-ticket sa araw ng iyong pag-alis